Kaibigan, anuman ang iyong pinagdadaanan,
Nawa’y iyong pakatandaan at isa-alang-alang,
Mahal ka ni HESUS, di ka Nya iiwan,
Batid Nyang lahat, handa ka Nyang tulungan.
Sa lahat ng pagsubok, Sya’y ating sandigan,
Pagkat maawain Sya, mapagmahal at puno ng kahabagan,
Sa krus ng kalbaryo, ito’y Kanyang pinatunayan,
Pasakit, pang-aapi, mga sakripisyo lahat Nya’y pinasan.
Manampalataya’t manalig sa Kanyang kapangyarihan,
Angkinin ang tagumpay, buhay na may kasaganaan,
Kay Hesus ituon, buong puso, isip at kalakasan,
Sya’y sapat, di ka mabibigo at di ka magkukulang.
by gpmendoza April 2009
No comments:
Post a Comment